29 January 2006

Labor N' Love

Katext ko kanina si Allan at napag-usapan namin sandali--ano ba naman ang mapag-uusapan nang matagal sa SMS?--yung tungkol sa crush ko na nakilala niya bago pa kami nagkakilala.

Di ko na siyempre ikukuwento ang buong detalye dahil di naman importante. Pero dahil sa simula pa lang, napakita ko na ang pagkabahala ko sa pagkakaroon ng someone to watch over me, sabi niya,
Antayin mo lang kasi. Wag na mag-anticipate ng kahit ano para masorpresa pa rin.
My gosh, Allan, I thought you were a poet! I thought you knew a thing or two about language!

Pinag-aantay mo 'ko, tapos sasabihin mo, 'wag mag-anticipate? Duh, "antay" and "anticipate" are synonymous kaya?! Although I kinda get the point naman. Parang waiting without expectation ('Pag binabasa ko ulit, parang ang labo pa rin.) Ay, mas better: 'wag magmadali/mainip, 'wag mag-expect.

Although alam ko na naman talaga ang lahat. Klarong-klaro sa 'kin ang lahat--ang problema, sanhi at solusyon--ganito lang talaga tayong mga tao, kailangan ng kausap.

Nakita ko kasi kanina yung crush ko sa Alabang Town Center. At ang sabi ni Allan, it's a sign. Sagot ko naman, hindi sign 'yon. Maliit lang talaga ang ATC, kako.

Which brings me to my favorite conclusion, na trinatrabaho talaga ang pagmamahal. That it's not just a gift that falls from the sky whenever you have an open mind, heart, hands and shirt; or grows from underground without tending. I can't think any other way, dahil kahit sa pamilya at kaibigan, ganoon din naman, kailangan ng effort. Pag-aalala't pag-aalaga. Careful dapat. That's my--what's the expression, "two cents worth"? May halaga pa rin pala, kahit papaano, ang opinyon ngayon. Di ko na nga lang natext 'yan kay Allan, kasi naubos na ang load ko. Nagnanakaw kasi ang SMART. Oh well.

01 January 2006

Iridescence

Ang favorite color ko yung nag-iiba-iba ng kulay.
--An audience at the World Pyro Olympics

Image hosted by Photobucket.com
That we appreciate each other despite moods, theirs and ours.

Forgive and accept with reason, but reason withheld.

Laugh, jest.

Discriminate, create.

Continue desiring iridescence, despite safeties.


* Photo from the World Pyro Olympics website.

Top Shelf