07 August 2005

'Saktong-sakto

Rolando Tinio
AKALA KO

Akala ko, para nang piyanong
Nasusian ang iyong kalooban
At naihagis ang susi kung saan,
Hindi na matitipa ng sino at alinman
Ang mga tekladong tuklap, naninilaw.

Dahil dumating ka isang gabi:
Naupo sa may pintuan,
Tahimik na naninimbang
Sa mga bagong pangyayaring
Nagaganap sa iyong harapan.

Sa manaka-nakang sindi ng mata mo,
Parang puno sa lihim ang dibdib mong
Ayaw siyempreng ipaglantaran
Sa mga nakilala noon lamang.

Hanggang ngayon (linggo na ang nakaraan),
Nakabalabal ka pa ng sariling panginorin,
Lumulutang sa sarili mong ulap,
Parang kakahuyang pinid ang sanga at dahon
Nang huwag mapasok ng liwanag
Buhat sa kung-anong daigdig o pintuan
Na hindi mo kilala at ayaw pang subukan.
Para sa akin ang líriká na ito.

Top Shelf